Suicidal Foot 4.0 - Hell Break
This blog contains five years worth of rants and babbles. It is not for the faint hearted, nor the nosy, nor for the narrow minded. It does not discriminate sex nor religious preferences. It loves you because nobody ever will. All hail Suicidal Foot! All hail the drama queen who writes, and her little servant boy!
Sunday, May 20, 2007 @ 11:09:00 PM
Suicide Bombing (Part Two).

Suicide Bombing
(Part 2)

Mapaglaro talaga ang tadhana. May isang magandang dahilan kung bakit madalas akong mapagtripan ni Ma'am Majin Bu. At 'yun ay dahil sa... drum roll please... ako ang naging class clown... este... class president (1-Armstrong '07). Pinag-attend n'ya 'ko ng free seminar tungkol sa blah blah blah. Lintik na buhay nga naman, oh! Ako lang 'ata ang sinermonan sa kulang na isang estudyanteng dumalo! Naglinis kami kasi napagod rin 'yung tenga 'ko. Oh, ha! 'Di ko kayo dinamay, ha? Ako lang ang napagod! Sumunod naman, eh, 'yung mga ding-ding ng klasrum namin na walang laman. Naglagay agad kami ng kung anu-ano. 'Yung mirror pala! Langya! Sino nga pala nagnakaw!!! Criniticize n'ya ang... uhhm... garden namin na walang halaman. Nagtanim naman kami, pero hindi pa uso dati ang Pichay. Walang katapusan ang pahirap n'ya sakin.

Naaalala ko pa, malinaw na malinaw sa utak ko, na mababa 'yung grade ko sa Subject N'ya, nung First Grading. Bakit kaya? Sinabihan n'ya akong magkaroon ng kunting interes sa subject n'ya! Eh, langya naman! Hindi n'ya ako tinatawag 'pag alam ko 'yung sagot sa tanung n'ya, tas 'pag 'di ko alam, ako 'yung tinatawag. Ano 'yun??? Noong may regional activity... patay na 'ko n'yan... tamang-tama na top 10 na 'ko. Excited na akong sumali. Ang dapat nga sana, unahan sa pagbayad, !!!TULAD NG IBANG YEAR LEVELS!!! Pero, bunutan DAW. Coincidentally, ako ang hindi nakasama sa top10 ng klase namin. ANG SAKIT NUN PARA SAKIN!!! BURN IN HELL YOU <*tooot*>!!!

uhhum....

Ganyan talaga ang luck ko pagdating sa Subject N'ya 1...

Malamang kilala n'yo na kung sino si Majin Bu. At alam kong makakarating 'to sakanya. 'Yun pa! Eh, may tracking device na nakasabit sa leeg ko!

Hi, Ma'am! Hope to see you... in hell nalang...

Labels: ,

posted by LOR | Permalink
Tuesday, May 15, 2007 @ 11:45:00 PM
Suicide Bombing.

Suicide Bombing
(Part 1)

Aaminin ko na sa lahat na bobo ako, tanga, at walang kwenta. Naging masama akong estudyante. Hindi ako nakinig sa mga teachers. Hindi ako nagpa-uto. At heto ako ngayon, handang pugutan ng ulo dahil sa pagpo-post tungkol sa teacher ko... na hindi pa patay.. at malapit lang ang bahay nila samin... <*lunok*>

The beginning of the end... (san ko ba narinig 'yun?)

Entrance test palang, nagkasama na kam ni Majin Bu*. S'ya ang proctor namin. Parang okay naman s'ya. Palangiti. "Hi, I'm Mrs. Sponge," pakilala n'ya. OMG! Mother Earth ng Computer Teacher ko dati? Mommy kaya ni Sponge Bobby*? That makes her Sponge Mommy, right? Natuwa naman ako kasi mataas naman ang grades ko dati kay Sir. Akala ko magiging maganda ang takbo ng kotse ko sa Sponge times 2 Street... Pero marami din palang namamatay sa maling akala.

Kinailangan namin ng index card (tulad din dati kay Sir Sponge Bobby) every grading period. Dito naililista 'yung mga assignments, projects, additional points, chuva, chu, cho... Marunong na 'ko sa index card, pasaway lang 'ata talaga ako, o tanga. Hindi ko sineperate yung mga "cells", hindi ko nilagyan ng lines. Naniwala kasi ako sa isang tangang kaklase! Lintik! Pero itong si Classmate, anak ng isang Science.... oops!... teacher na Adviser din ng mga 2nd Year... Oops!? Eh, s'ya 'ata 'yung unang napagalitan, ewan ko lang.

First month ko palang 'ata sa school pumalpak na 'ko. Kasi nga naman, pinost ko 'yung tungkol sa school... ito 'yung sequel! Kwinento n'ya 'yung isang estudyante n'ya na nagpost daw sa internet kung gaano kapangit ang school. Shit... Nagtinginan na sila sakin na parang alam nalang na ako na naman 'yun. Ewan ko ba kung saan naman nila nakuha 'yun. Eh, uhhm... Sa mga friends ko lang naman sinabi, ah! Hindi naman mababasa ng buong mundo, eh. Di ba? Kinagabihan, tinignan ko 'yung multiply account ko kung ako nga 'yun. <*smile*>. Ako nga! At nakita ko si S.B. sa latest na nang-usisa sa blog ko! Naman, naman, naman! Kung gaano ako kagaling magsulat, ganoon naman s'ya kagaling magsumbong! At kung binabasa n'ya ngayon 'to... "Hi, Sir!" May dalawang kapatid pa kasi akong dadaan sakanya...

Back to Sponge Mommy...
Binanggit ko na sa isang post na kwinestyon ko s'ya. Sayang talaga! Nanahimik nalang sana ako. Bakit pa kasi ako nangarap maging dakila. Test kasi namin 'yun. Five points para sa density of water! Bwahaha... 'Yun lang? Awake or unafraid, asleep or dead, alam ko 'yan! Akala ko lang pala ulit. 1 g/cm3 ang density ng water sa labas ng klase n'ya, pero 2g/cm3 'pag sa klase n'ya! Tinanong ko kung paano naman naging 2. At napunta ang usapan sa kung saan-saang kingdom, planeta, bato, layer, tao, politiko... at 2 daw ang density of water! Papayagan ko na sanang manalo, kaya lang tinanong ko ulit kung ano ang connect ng iba't-ibang kingdom, planeta, bato, layer, tao, politiko sa density of water... and the rest is history... so sad...

*Names are changed for privacy.

my multiply site is:
http://wend753.multiply.com

To Be Continued...

Labels: ,

posted by LOR | Permalink
Sunday, May 13, 2007 @ 10:44:00 PM
suddenly....

WeLay

Isang pa-cute na bata na mahilg magsuot ng sleeveless shirts at baggy pants. HS crush ng bayan. Palangiti kasi nasa Student’s Council (Supreme Student Government sa ISNHS). Masayahin at matalino. Bagamat wala pang ginawang Wendi Appreciation Day, madalas s’ya sa stage, para tumanggap ng awards. Marami s'yang kaibigan. Maraming insecure sakanya. Mahilig sya sa hip songs, ‘yun bang sasayaw ka ‘pag narinig mo. Madalas kumanta kahit piyok-piyok naman ang boses. Nasa class officers. Charming. Confident. Leader.

Nagbago nga ba ako? Eh, makapal pa rin naman ang mukha ko at maganda’t matalino pa naman ako. Nagbago ba ko?

Matagal na ang suicide sa buhay ko. Wala nga lang may alam kundi ako. Kung tinatanong n’yo kung sinubukan ko nang uminom ng lason, maglaslas ng pulso, o magbigti… hindi ko kayo masasagot nang matino.

Matino ba ‘ko noon? Eh, ngayon? Mahilig ako sa kalokohan at sumasayaw o kumakanta ‘pag trip, dati ‘yan. Ngayon, puro suicide ang pinagsasabi ko, problemado, at in-love sa suicidal music ng MCR. Oh, ano? Matino ba ko?

‘Yung “ako ngayon”, ay ang nakatagong ako noon. Mahirap paki-usapan at moody. Ayaw ko sa kanya. Kaya lang, lumalaban kasi. Naghahanap ng kalayaan… “Impossible dream!”

Isa sa mga hardcore kong comment ang “impossible dream!” Naisip ko ‘to habang nangungulit sa isang kaklase (pero ‘di ko na naaalala… basta Armstrong!), hanggang napadalaas kong banggitin. Isa pa sa mga walang kwenta anng “No Comment”. Ang gulo ko talaga, dati na.

Violent ba ko dati? Ang alam ko, hindi, at hind pa rin naman. Kasi wala (pa naman) akong balak pumatay ng tao. Matindi (‘ata) akong mang-insulto at magmura… dati joke lang, ngayon totohanan na. (One point!)

Naalala ko pa ang pagiging “out of reach” ko sa mga teachers. ‘Yun bang may nakalagay na “Not for Hire nor for Rent” sa nuo at likod ko. Isang beses ko ring sinubukan ang sumipsip, but it’s not my type of game. Wala pa akong binastos (directly) o nilabanan ang kasinungalngang pinagsasabing teacher. First year of HS, nasubukan kong kwestyunin ang teacher kong walang alam. Grabe! Density of water daw, eh, 2g/cm3! Half of the period naming pinagdebatehan ‘yan. First timer ako, at kaunaunahang tangang tumayo sa klase namin. Dahil takot ang mga bata, walang tumulong sakin. ‘Yung iba talagang sumasangayon na sa teacher namin, sabay tingin sakin at snasabing, “umupo ka na!” Dahil istudyante lang ako, ako ang natalo. Sa mga sumunod kong laban na nagmistulang laban ni Pacquiao, meron na akong mga kasama. Napagalitan na kami’t pinarusahan. Proud naman kami dahil totoo kami at hindi plastik. Kailangan ko lang talagang gawing miserable ang buhay ng teaher kong ‘yun, Ang ganda kasi ng Science! (ting-ting-ting! Two points!)

Dati na akong madrama. Dati nga iyakin ako. Pero, ‘di nagtagal, nahiya rin ako. Hindi ibig sabihin na nagbago ako. Kasi, madrama pa rin naman ako.

Mahilig na ko dati sa music. Mga love songs, Final Fantasy (CD ni ate), at M2M (CD rin ni ate) ang pinakikinggan ko dati. Simple Plan (CD ulit ni ate) at Eraserheads (CD naman ni Dad) ang pop rock band ko, dati. Okay naman sakin ang MCR dati… pero takot lang ako kay Gerard Way at Frank Iero. Pero nagbago 'yung tingin ko sakanila nung nagpa-bleach si Way. Hanep!!! ‘Yun, nagustuhan ko na. Ta’s meron pa si Bob Brayr! Perfect!

Iba talaga ako sa mga… uhhm… iba. Dati type ko rin ang branded. Kaya lang, ayoko kasi nang nagdadamit ng sinuot na ng iba. Mas type ko ang magpataba kesa magpa-slim. Totoo yan! Peks man! Mas type ko ng short hair, kesa long hair. Mas type ko ang shirt plus baggy pants plus flipflops (sosyal na tawag sa tsinelas!). Fashion conscious din ako dati, pero budget-freak na ngayon. Nasa isip ko ang future ng buhay ko, buhay mo, at ang Plipinas (baka kasi malapit ng lumubog). Humorous ako! Mahilg ako sa libro. Mas gugustuhin kong magsulat kesa magmake-up. Ibang-ba ako sayo. Iba ka rin sakanila. Unique ako. Proud to be.

Labels: ,

posted by LOR | Permalink
@ 10:42:00 PM
PKB?.

Pilipino Ka Ba?

Ang mga Juan dela Cruz ay kilalang masipag (daw), masayahin, at kung anu-ano pang kalokohang pwede mong maisip. Mahilig sa kainan… napatunayan nang matakaw ang mga Pinoy. Lahat ng kongting bagay, ginagawang malaking bagay para lang makapaghanda. May handa sa kasal, binyag, kaarawan, patay, buhay, pagtatapos, pagsisimula, pagdrop-out, unang anak, pangalawang anak, anak sa labas, bagong biling aso, napulot na aso, nawalang aso, Mayo tres, Friday the 13th, pagdating ng kamag-anak na nagtatrabaho sa Pluto, at kung anu-ano pa. Tatak Pinoy!

Ansaya nga naman! Andaming pista sa Pilipinas, kakaiba, iba-iba… Walang buwan na walang pista sa Pilipinas. Kahit nga mga squatters naghahanda, eh. Sosyal din kasi dinarayo ng mga turista.

Maraming tourist spots sa Pinas. Tulad ng sabi ng guro mo sa HEKASI o SIBIKA, madaming likas na yaman ang Pilipnas.

Matatalino ang mga Pilipino. Tsismis pa nila, Pinoy daw ang naka-imbento ng fluorescent lamp. Kaya lang binenta nya ito… tsk tsk tsk…

Pilipino Ka Ba?

Mabait daw ang mga Pilipno. ‘Yan ang dahilan kaya naalila ang mga sinaunang Pilipino. Inabuso ang pagiging mabait nila. Tatak Pinoy!

Inabuso, umabuso… May korapsyon dahil may umaabuso at nagpapa-abuso. Pinoy nga naman, oh. Ambait! Laganap din ang prostitusyon. ‘Yan ang trabaho ng mga Pinoy na ayaw maghanap ng “nakakapagod” na trabaho, pero gustong magkapera. <*ouch!*>

Marami ring krimen sa Pilipinas. Lahat ng klase. Rape, pagnanakaw, hold-up, murder, vote-buying, corruption, private army, pagkakaraoke sa gitna ng gabi, pagbebenta ng illegal drugs…. Andami pa… Kalokohan mo, kabuhayan nila. Mag-iingat kayo.

The more the merrier. Ilan kayong magkakapatd? Sige nga, paramihan tayo… Madaming nagugutom, nagkakasakit, at walang bahay. Sinisisi nila lagi ang gobyerno. Pero, tanong ko lang ha, ilan ba anak nila?

Oh, ano? Pilipino Ka Pa Rin Ba?

Kumpara sa ibang bansa, mas maganda ang FX ng pelikola nila. Hay, naku… Merong cartoons ang America, at anime naman sa Japan. Eh, sa Plipinas? Kartuns? Merong comics ang America, at mangga ang Japan. Sa Pinas naman… Komiks? Madalas kong pinoproblema ‘yan. Dinadamay ko pa nga ‘yung mga kapatid ko. Sisiw kasi ‘yung mga atin. Patawad sa lahing Pilipino.

Pilipino Ba ‘Ko?

Lahing Pilipino din ako. Dakilang Juan dela Cruz. Tatak Pinoy! Lumaki sa mga pauso ng mga matatanda. Natutong tama para sakin ang kumain ng marami. Naniwalang tatangkad ako kapag tumalon tuwing Bagong Taon. Gustuhin ko man o hindi, Pilipino ako… at mahal ko ang Pilipinas inspite its imperfections. Eh, ikaw? Pilipino ka ba?

<*Sorry kung wrong grammar o wrong spelling ‘yung iba… bobo kasi ako pag dating sa Filipino.*.

Labels:

posted by LOR | Permalink
@ 10:41:00 PM
wala akong maisip na title.

How to Write Your Suicide Note
  1. Make sure you’re (still) alive and able to write the note to the last word.
  2. If you’re writing the note in advance, don’t write any date yet. Don’t forget to write the date before you cut your pulse or hang yourself.
  3. Don’t write any greetings!!! It’s a SUICIDE note for crying out loud!
  4. Tell (meaning write, or better, list) the reasons why you ended your stupid life. Blame anybody (but I suggest you blame everybody. Enumerate!) you know. Tell how they contributed to your lame life!
  5. Say thanks to those who loved you (if any).
  6. Apologize to those people you’ve hurt, but only if you’re sincere.
  7. Tell the people you love how much you’ll miss them (and make sure you mean it!).
  8. Sign with your name (Full, Gangsta, Nick, Trasher, and all kinds of names), a few drops of blood (or tears or sweat), and both thumbs print (use blood for ink).
Additional Note: It’s nice if posted on a wall, or on top of your cold, dead body. But it’s better if e-mailed to everybody… even to those you don’t know. You’ll have a bonus 30 seconds of fame!
Another Note: Don’t make a suicide note if you’re not going to commit suicide!!!

Labels: , , , ,

posted by LOR | Permalink
Sunday, May 6, 2007 @ 9:58:00 PM
So Suicidal.

According to statistics, there are three factors of suicide:
  1. genes (ah! Namamana!)
  2. Parental encouragement (like us... este… them!)
  3. Proper nutrition (like Nido! Hakhak!)
Note: This is just a joke… including this note.
Note again: Jokes are half-meant. Joke!
If ever I will commit suicide, I’ll make sure I’ll change the world with my sudden (?) action. And of course, I have to get back to those who hated me. Dapat hindi beneficial ‘yung pagkamatay ko sa mga taong gusto na akong mabura sa balat ng mundo. Kapag kuntento na ‘ko sa buhay ko (kelan naman kaya ‘yun?), at maayos na ang mundo (o kahit Pilipinas lang muna ngayon), magpapakamatay na ‘ko... To all my fans out there, cheer up! Malayo pang maayos ang Pilipinas. Mahabang retoke pa…
<*Interlude*>
Ayokong mamatay na isang suicidal freak lamang. Sino ba namang may gustong marinig na, “ah! ‘Yung si (insert name here)? Suicidal freak, pare! Inutil!” Basta, ayoko! Gusto ko naman yung may class… “What a suicidal freak, dude! She thought she could save the world all by herself! Whatta freak, man! Whatta freak…”
<*Repeat chorus*>
May pagkaloka-loka man ako, mahal ko ang sarili ko. That’s why I want to end my life. ‘cause sometimes, my life is just : down, down, up, down,down… I might want to kill myself, but I won’t kill anybody else! I’m no murderer, man! I’m not…
<*Fade*>

Labels: , ,

posted by LOR | Permalink