Suicidal Foot 4.0 - Hell Break
This blog contains five years worth of rants and babbles. It is not for the faint hearted, nor the nosy, nor for the narrow minded. It does not discriminate sex nor religious preferences. It loves you because nobody ever will. All hail Suicidal Foot! All hail the drama queen who writes, and her little servant boy!
Sunday, May 13, 2007 @ 10:44:00 PM
suddenly....

WeLay

Isang pa-cute na bata na mahilg magsuot ng sleeveless shirts at baggy pants. HS crush ng bayan. Palangiti kasi nasa Student’s Council (Supreme Student Government sa ISNHS). Masayahin at matalino. Bagamat wala pang ginawang Wendi Appreciation Day, madalas s’ya sa stage, para tumanggap ng awards. Marami s'yang kaibigan. Maraming insecure sakanya. Mahilig sya sa hip songs, ‘yun bang sasayaw ka ‘pag narinig mo. Madalas kumanta kahit piyok-piyok naman ang boses. Nasa class officers. Charming. Confident. Leader.

Nagbago nga ba ako? Eh, makapal pa rin naman ang mukha ko at maganda’t matalino pa naman ako. Nagbago ba ko?

Matagal na ang suicide sa buhay ko. Wala nga lang may alam kundi ako. Kung tinatanong n’yo kung sinubukan ko nang uminom ng lason, maglaslas ng pulso, o magbigti… hindi ko kayo masasagot nang matino.

Matino ba ‘ko noon? Eh, ngayon? Mahilig ako sa kalokohan at sumasayaw o kumakanta ‘pag trip, dati ‘yan. Ngayon, puro suicide ang pinagsasabi ko, problemado, at in-love sa suicidal music ng MCR. Oh, ano? Matino ba ko?

‘Yung “ako ngayon”, ay ang nakatagong ako noon. Mahirap paki-usapan at moody. Ayaw ko sa kanya. Kaya lang, lumalaban kasi. Naghahanap ng kalayaan… “Impossible dream!”

Isa sa mga hardcore kong comment ang “impossible dream!” Naisip ko ‘to habang nangungulit sa isang kaklase (pero ‘di ko na naaalala… basta Armstrong!), hanggang napadalaas kong banggitin. Isa pa sa mga walang kwenta anng “No Comment”. Ang gulo ko talaga, dati na.

Violent ba ko dati? Ang alam ko, hindi, at hind pa rin naman. Kasi wala (pa naman) akong balak pumatay ng tao. Matindi (‘ata) akong mang-insulto at magmura… dati joke lang, ngayon totohanan na. (One point!)

Naalala ko pa ang pagiging “out of reach” ko sa mga teachers. ‘Yun bang may nakalagay na “Not for Hire nor for Rent” sa nuo at likod ko. Isang beses ko ring sinubukan ang sumipsip, but it’s not my type of game. Wala pa akong binastos (directly) o nilabanan ang kasinungalngang pinagsasabing teacher. First year of HS, nasubukan kong kwestyunin ang teacher kong walang alam. Grabe! Density of water daw, eh, 2g/cm3! Half of the period naming pinagdebatehan ‘yan. First timer ako, at kaunaunahang tangang tumayo sa klase namin. Dahil takot ang mga bata, walang tumulong sakin. ‘Yung iba talagang sumasangayon na sa teacher namin, sabay tingin sakin at snasabing, “umupo ka na!” Dahil istudyante lang ako, ako ang natalo. Sa mga sumunod kong laban na nagmistulang laban ni Pacquiao, meron na akong mga kasama. Napagalitan na kami’t pinarusahan. Proud naman kami dahil totoo kami at hindi plastik. Kailangan ko lang talagang gawing miserable ang buhay ng teaher kong ‘yun, Ang ganda kasi ng Science! (ting-ting-ting! Two points!)

Dati na akong madrama. Dati nga iyakin ako. Pero, ‘di nagtagal, nahiya rin ako. Hindi ibig sabihin na nagbago ako. Kasi, madrama pa rin naman ako.

Mahilig na ko dati sa music. Mga love songs, Final Fantasy (CD ni ate), at M2M (CD rin ni ate) ang pinakikinggan ko dati. Simple Plan (CD ulit ni ate) at Eraserheads (CD naman ni Dad) ang pop rock band ko, dati. Okay naman sakin ang MCR dati… pero takot lang ako kay Gerard Way at Frank Iero. Pero nagbago 'yung tingin ko sakanila nung nagpa-bleach si Way. Hanep!!! ‘Yun, nagustuhan ko na. Ta’s meron pa si Bob Brayr! Perfect!

Iba talaga ako sa mga… uhhm… iba. Dati type ko rin ang branded. Kaya lang, ayoko kasi nang nagdadamit ng sinuot na ng iba. Mas type ko ang magpataba kesa magpa-slim. Totoo yan! Peks man! Mas type ko ng short hair, kesa long hair. Mas type ko ang shirt plus baggy pants plus flipflops (sosyal na tawag sa tsinelas!). Fashion conscious din ako dati, pero budget-freak na ngayon. Nasa isip ko ang future ng buhay ko, buhay mo, at ang Plipinas (baka kasi malapit ng lumubog). Humorous ako! Mahilg ako sa libro. Mas gugustuhin kong magsulat kesa magmake-up. Ibang-ba ako sayo. Iba ka rin sakanila. Unique ako. Proud to be.

Labels: ,

posted by LOR | Permalink