Suicidal Foot 4.0 - Hell Break
This blog contains five years worth of rants and babbles. It is not for the faint hearted, nor the nosy, nor for the narrow minded. It does not discriminate sex nor religious preferences. It loves you because nobody ever will. All hail Suicidal Foot! All hail the drama queen who writes, and her little servant boy!
Monday, June 4, 2007 @ 1:08:00 AM
Secret Files.

Sinong batang babae ang hind natanong ng "who's your crush?" At sinong batang babae ang hindi pa nasubukang magka-crush kay Secret? San ko nakuha 'tong ideyang ito? Sa klasmeyt kong nagkukwento tungkol sa buhay. Bored na kasi kami nun, kaya no choice rin. Tumakas pa ata kami sa paggawa ng garden.
Des: Ang swerte talaga ni Secret.
Ako: Huh? Sino 'yun? crush mo noh?
Des: Lahat naman tayo crush s'ya.
Ako: ...
Des: Sinong Crush ni Pre?
Ako: Secret!
Des: Kitams! Crush mo rin 'yan!

Ang ewan talaga n'ya. At nagpatuloy pa ang kwentuhan naming wala namang kwenta...
<*Background Music: Lupang Hinirang*>
<*Nagpapraktis 'yung mga teachers kaya 'yan yung tugtog*>
Des: Alam mo ba na "baby" ang kadalasang tawagan ng magsyota?
<*Trivia: Syota means "short time"... according kay Desseree rin 'yan!*>
Ako: Pansin ko nga.
Des: Lahat na lang sila baby! Antatanda na nga nila. Kadiri!
Des: Kaya yung kuya ko tsaka yung GF nya, sanggol ang tawagan!
Ako: Ows?!
Des: Hala! Oo!
<*Hindi pa tapos ang Lupang Hinirang*>
Des: Yan nga rin ang theme song nila, eh. Bayang Magiliw... <*wink*wink*> este... Lupang Hinirang pala.
Pero, hindi love ang topic natin mga friends... Hindi love kundi si Secret!!!

Ano kaya kung pangalanan mong Secret yung magiging anak mo? Alam mo agad kung s'ya yung pinag-uusapan.

Tao: Secret? Deodorant 'yun di ba?

Kawawang bata. Imagine:

Teacher: Introduce yourself.
Secret: Hi!My name is Secret-
Teacher: Bata! Unang araw palang ng klase,nagloloko ka na?!

Job Interviewer: So Miss-?
Secret: Secret na lang po, Sir.

Bagong kapitbahay: Oh, pare ,ako si Juan. Bagong lipat kami dito.
Secret: Secret, pare!

Pero hindi lang tao ang isang "secret".Pwedeng bagay, galaw,o parte ng katawan...

1: Pare,anu 'yang hinahawakan mo?
2: Ito ba ang secret mo?
1: Pare, bawal galawin 'yan. Diary ko pa 'yan nung elementary ko.

Hhmm... Naisip mo bang Yaoi? Hindi ah... <*wink*wink*>

Nabasa ko pa nga sa Buzz Mag, June Issue, na rinegaluhan ni Direk Ramsy si Angelica P. ng, alam mo na 'to, secret!

Labels: ,

posted by LOR | Permalink