Suicidal Foot 4.0 - Hell Break
This blog contains five years worth of rants and babbles. It is not for the faint hearted, nor the nosy, nor for the narrow minded. It does not discriminate sex nor religious preferences. It loves you because nobody ever will. All hail Suicidal Foot! All hail the drama queen who writes, and her little servant boy!
Saturday, March 12, 2011 @ 10:05:00 PM
L'important.

Ang Himig Kalay ay para sa mga magagaling kumanta, marunong kumanta, gustong matutong kumanta… Sa mga adik sa pagkanta, parang adik 'pag kumanta… Sa mga walang ibang gustong gawin kundi kumanta, sa mga kumakanta 'pag walang magawa…

"Magandang gabi, Kalayaan Residents. Inaanyayaan namin ang lahat para mag-sign up sa Himig Kalay, ang official na Singing Club ng Kalayaan. Lahat ng interesado, mag-sign up lamang sa RA Counter. Inuulit ko, lahat…"

Bumaba ako agad papuntang RA Counter nung in-announce over the intercom na open na ang sign-up for Himig Kalay. Naaalala ko pa kung sino-sino 'yung mga nakasabay kong nag-audition: Tintin, Nico, Edwin, Ray Ben, May, Davian, Annie ng Bicol na taga-CF2, at 'yung friend ni Fau na 'di ko na maalala 'yung name. Naaalala ko, wala pang adviser. Sina Kuya Dennis at Kuya John palang 'yung temporary na naghahawak ng club. Pinakanta nila kami isa-isa. Since ang alam ko lang na kanta ay Unfaithful, at ni-request naman ni Kuya Dennis na mag-Rihanna ako, 'yun nalang kinanta ko. Nakalimutan ko na nga 'yung lyrics, eh. Pero, it doesn't matter. Lahat kami, kinuha nila. Ganun kasi talaga 'yun. 'Yung mismong audition, trip lang. Pang-check lang ng confidence level. Lahat ng nagsulat sa sign-up sheet, pasok na.

First performance namin sa Acquaintance Party. 'Yun 'yung formal na introduction ng Himig Kalay! Dumating na rin 'yung adviser namin, si Ate Nina! Kami-kami lang 'yung nagturo sa isa't-isa. Si Ate Nina, sinabi n'ya kung anong mali, tapos we had to figure out how to fix ourselves. Lupang Hinirang, tapos isang religious song na hindi ko alam ang title. Fail pa ako 'nun. Since 'di ko alam 'yung sa doxo song, nagha-hum-hum lang ako. Katabi ko pa si Aivi Porn, na 'di rin alam 'yung kanta! Pero, it turned out well naman daw...

First performance outside Kalay, sa International Center! Excited ang lahat, syempre! Tapos, nag-bonding pa before this. Nag-dye kami ng shirts. Dito rin 'yung first cold war. Super dami pa namin nuon, pero super dami rin nawala nung performance na mismo. Dahil masyado kaming marami, ang hirap mag-meet ng ugali ng iba. Nagka-problema tuloy kami. Still, kahit na medyo fail 'yung performance, na-enjoy pa rin namin. First pay, with free food paaa~ Oh, free food~!

First, and hopefully the only, performance na na-miss ko, 'yung Opening ng Sports Fest! Nag-puyat kasi kami night before to perfect the songs. Ayun, pag-gising ko, nabasa kong text, "in 15 minutes..." something, something. Habang naliligo ako, ayun, nagstart na sila... at natapos na sila... at super sad ako.

Sa Himig ko nalaman na I'm a bad singer (as in lahat ng mali sa pagkanta, meron ako), pero, at the same time, ang Himig ang ayaw talaga akong pakawalan because I have a future. Sa Himig, nagpupuyat ako para matututo ng isang kanta, pero sa Himig ko rin naririnig na "mag-aral ka muna, may exam ka ba?" Ang Himig 'yung group, na may commitment ako, that requires sooo much time but gives more in return. Hindi s'ya tulad ng corridor na, lahat mag-wowork walang exam-exam. Hindi s'ya tulad ng Physics na, 'pag nag-shift out ka na, wala na... Ang pinakanakakatuwa sa lahat, kahit walang magsasabi ng totoo, alam namin sa boses ng isa't-isa kung ano talaga meron. Kahit sabihin mong wala kang problema alam nila. At hindi lang alam nila, they'll do something about it. Walang practice, walang kanta-kanta. Let's talk about it, or, let's not talk about it. We should atleast do something to take it off your mind.

Overall, super happy-sad-happy-whoooooaaaaa-happy-stress-happy-whooooaaaa-happy ang Himig. :)) I will now and forever be singing with you in mind. Parang high school lang, pero, I had the best Freshie memories with you Davian, Tintin, Esjie, Paul, Rey Ben, Lawrence, Keith, Olan, Nico, Karen, Gai, and Naomi. :)


and, BTW, hindi ko sa FB ippost...

AZURIN, WENDI LAUREEN I.
BS Kalay
Major in Himig

Labels: , ,

posted by LOR | Permalink