Suicidal Foot 4.0 - Hell Break
This blog contains five years worth of rants and babbles. It is not for the faint hearted, nor the nosy, nor for the narrow minded. It does not discriminate sex nor religious preferences. It loves you because nobody ever will. All hail Suicidal Foot! All hail the drama queen who writes, and her little servant boy!
Sunday, August 26, 2012 @ 1:11:00 AM
Jeep Ride Rage.

[A/N] This is published late. The date lies.


Sumakay ako ng jeep sa may SC. Papunta akong Philcoa para i-meet si Nica. Sa may Engg/Tennis court shed, may sumakay na family: 2 brothers, sister, dad. Mukhang nag-jog sila. Atleast, ganun 'yung get-up nila. katabi ko si ate, at sa tabi nya yung Dad nila. Kaharap ko naman yung brothers. Itong mag-kuya nakaupo na parang kanila yung jeep. Magkaharap sila, and are occupying most of the seat. 

May sumakay sa may Music. Itong magkuya, ayaw umusog. Imposibleng hindi obvious na need ng umupo nitong ate at kuyang sumakay. Yung brothers, wala, nagtatawanan parin playing with their phones. Eh di, ako, naasar na talaga. Napalakas 'yung pagsabi ko ng, "exccuse me. Kuya. Pausog." At nung tumingin pa kasi sila, inirapan ko pa. Taray no?

I wanted to say sorry, I felt bad. Pero, nung humarap na ako, narinig ko itong Dad nila, sabi, "pwede namang sabihin ng maayos." Ehdi, hindi na ako nag-sorry. Buong ride, 'yun pinaguusapan nila. TANGINANG AMA. Ganun nya pala pinapalaki mga anak nya kaya ang bobo nila sa buhay.

Why is their father wrong?
1. Magkaharap yung magkapatid. Hindi sila naka-earphones. Hindi sila bulag. IMPOSIBLENG HINDI NILA NAPANSING MAY SUMAKAY.
2. Umandar na 'yung jeep hindi pa rin sila umusog. Tayuan? Tayo nalang yung mga bagong sakay?
3. BASIC COURTESY PO ANG PAG-USOG KAPAG MAY SUMAKAY.

Nakakakulo ng dugo talaga. 'Wag na 'wag sila magdya-jog ulit dito sa UP, babarilin ko sila. Kasi may baril ako.

Labels: , , , , ,

posted by LOR | Permalink