Suicidal Foot 4.0 - Hell Break
This blog contains five years worth of rants and babbles. It is not for the faint hearted, nor the nosy, nor for the narrow minded. It does not discriminate sex nor religious preferences. It loves you because nobody ever will. All hail Suicidal Foot! All hail the drama queen who writes, and her little servant boy!
Sunday, November 28, 2010 @ 2:30:00 AM
STRIKE!.

NO TO 1.39 Billion Budget Cut on Education.

Maraming estudyante ang naghirap para makarating sa UP. Habol natin dito ang mura pero dekalidad na edukasyon. Kung tataas na naman ang tuition, paano na ang mga nahihirapang magbayad ng tuition? Paano na ang mga estudyanteng may mga nakababata pang kapatid na kailangan ding mag-aral? Paano na ang mga estudyanteng binubuhay ang kanilang sarili? Paano na ang mga estudyanteng baon na sa utang sa kasalukuyang 1000PHP/unit? Kasi naman, hindi niya alam ang ating sitwasyon. Hindi nya nasubukang maghirap.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit naisipan ni President Noynoy Aquino ang budget cut sa edukasyon. Hindi ba niya kilala si Rizal? O, baka hindi niya alam kung anong sinabi ni Rizal. Ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Kailangan nating ilabas ang "competent and abled professionals" mula sa mga estudyante. Alam nating lahat na dito sa UP nanggagaling ang karamihan niyan. At dito sa UP gustong mag-aral ng mga gustong maging "competent and abled" kahit kulang sa pera. Kung mababawasan ang budget sa edukasyon, mayroong mga mapipilitang lumipat sa ibang unibersidad. Mapipilitan ang susunod na batch na mag-aral nalang sakani-kanilang probinsya. Pero, gayunman, hindi lang naman UP ang apektabo nitong budget cut. ISIPIN NIYA SANA, maraming nasisirang pangarap dahil sa budget cut na 'to. Hindi lang pangarap ng mga estudyante at ng kanilang mga magulang, kundi pati ang pangarap ng bansa na magkaroon ng henerasyong ng "competent at abled" na professionals.

Labels: , ,

posted by LOR | Permalink